Quantcast
Channel: Xavier School
Viewing all articles
Browse latest Browse all 571

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

$
0
0

Nilikha ni Justin Dhaniel Caoile Tan (G12H)

Sa gitna ng mga kulay at kasuotang Pilipino, maligayang ipinagdiwang ng Paaralang Xavier noong Agosto 20, 2018 ang Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Saliksik.” Habang ang mga estudyante ay papunta sa High School Gym, sila’y unang sinalubong ng tugtog ng kahanga-hangang MMDA Band.

Sinimulan ang araw sa isang Banal na Misa, at naging panahon din ito para sa pag-alala ni San Alberto Hurtado Cruchaga, bilang hindi pa natatagalan ang kaniyang pista. Ang presider ng misa ay si Fr. Ely Lumbo, SJ. Kasama niyang tumatanghal sa misa ay sina Fr. Xavier Olin, S.J., Fr. Arturo Borja, S.J., Fr. Candido Lim, S.J., Fr. Benjamin Sim, S.J., at Fr. Francis Lim, S.J.

Ilang sandali pa ay umpisa na ang programa. Muli, tinawag ang MMDA Band sa harap, at halata na handang-handa silang mapabilib ang lahat. Pagkaraan, ang Lahing Kayumanggi Dance Troupe naman ay nagpakita ng gilas sa pagsayaw ng iba’t ibang pambansang uri ng sayaw. Binigyan din nila ng pagkakataon ang mga mag-aaral at guro na subukan ang tinikling, o bamboo dance. Sinundan ng programa ang Pistanghalian na gumanap sa loob ng bawat silid.

Habang pumunta na sa klase ang ika-7 hanggang ika-10 baitang, pinanood ng Senior High ang pelikulang “Ang Larawan,” na nanalo ng napakaraming gantimpala, kagaya ng “Best Picture” sa Metro Manila Film Festival 2017, “Best Score,” at iba pa. Dumalaw rin ang ika-11 baitang si Celeste Legaspi, ang napaka-sikat na aktor at mang-aawit na gumanap bilang isang karakter sa pelikula, si Donya Loleng. Nakahanga lamang ang lahat habang kinukwento niya ang labis na tagumpay na naabot ng pelikula, at ang hamon bago nakarating doon.

Napatunayan ng pagdiriwang ito na mahal na mahal pa rin ng mga mag-aaral sa Xavier ang kanilang sariling kultura at wika. Siguro ay lalong gagamitin ng mga mag-aaral ang wikang ito, at titingnan nila ito bilang kagamitan upang ipakita ang kanilang pinakamataas na pagiisip.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 571

Trending Articles